(Eagle News) — Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sinumang tatakbong kandidato para sa 2019 mid-term elections na huwag haluan ng politika ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, dapat itigil ni Senatorial Candidate Erin Tañada ang pamumulitika sa paglilinis sa look.
Reaksyon ito ng opisyal matapos sabihin ni Tañada na hindi dapat minamadali ang rehabilitation at posibleng magdulot ito ng marami pang utang.
Aniya, ang pagpapaganda sa manila bay ay para sa kapakinabangan ng lahat at para sa ating kalikasan.