(Eagle News) — Magtataas ng singil sa tubig ang Manila Water dahil sa pagbaba kamakailan ng halaga ng piso.
Ayon sa Manila Water, epektibo ang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) ng Php 1.21 bawat cubic meter labinlimang (15) araw matapos ang publication ng pagtataas ng singil ng tubig sa pahayagan.
Ang nasabing adjustment ay alinsunod sa palitan ng halaga ng dolyar at Chinese Yuan kontra piso.
Ang FCDA component ng water bill ay ma-aadjust sa 4.86 percent (%) mula sa dati nitong basic charge.
Ang mababang piso ay nagpapamahal sa foreign Debt Servicing ng Manila Water, kaya anila ay kailangang magkaroon ng adjustment.
Nilinaw naman ng Manila Water na ang FCDA ay walang epekto sa inaasahang net income ng kumpanya.