(Eagle News) — Paliit na raw ng paliit ang lugar na hawak ng teroristang grupong Maute sa ika-siyam-na-pu’t apat (94) na araw ng bakbakan sa Marawi City.
Kahapon tuluyan na umanong nabawi ng militar ang Marawi City Police Station na kinubkob ng mga terorista noong May 23.
Maituturing daw itong strategic location at malaking bagay sa patuloy na pag-usad ng militar.
Bukod sa police station, nabawi na rin daw ng militar ang Grand Mosque na matagal din umanong pinagkutaan ng mga terorista.
Dito rin umano itinago ng Maute Group ang mga hawak nilang hostage at mga supply ng pagkain at armas.
Sa ngayon nasa tatlongdaang (300) gusali pa umano ang kailangan i-clear ng militar sa kaloob-looban ng Marawi.
Sa huling tala ng military, umabot na sa 769 ang bilang ng nasawi sa bakbakan.
Mahigit limang daan dito–o 595– ang mula sa mga terorista, habang 129 naman ang mula sa panig ng gobyerno.
Apatnapu at lima na sibilyan naman ang napaulat na pinatay ng mga terorista, habang nasa 1,728 na ang nailigtas na sibilyan.