March inflation rate, posibleng pumalo nang mahigit 4%

MANILA, Philippines (Eagle News) — Posibleng pumalo sa 4.2 hanggang 4.4 percent ang inflation rate noong Marso na mataas sa target ng gobyerno.

Nitong Pebrero ay 3.9 percent ang inflation rate na pasok pa rin sa 2 hanggang 4 percent target range.

Nasa 3.8 hanggang 4.6 percent ang inflation rate na inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Marso dahil sa mataas na presyo ng kuryente at petrolyo at paghina ng piso.

Sa Huwebes, Abril 5, ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na datos ukol sa inflation rate nitong Marso.

Related Post

This website uses cookies.