MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Malaking ginhawa para sa lahat ng motorista ang nalalapit na pagtatapos ng ginagawang kalsada na 44-kilometer bypass road ng Mariveles-Bagac, Bagac-Mariveles, Bataan.
Ang nasabing kalsada ay sinimulan taong 2013 at inaasahang matatapos sa taong 2018.
Halos apat na kilometro na lamang ang natitirang rough road na itinuturing na major project ng Provincial Government ng Bataan.
Sa nasabing bypass road ay maaaring dumaan ang mga motorista na galing ng Mariveles patungong Bagac, Morong, Subic Hermosa at Dinalupihan, Bataanm at pabalik naman ng Roman Expressway.
Magiging magaan naman ang daloy ng trapiko sa may zigzag road na siyang itinuturing na pangunahing kalsada palabas at papasok ng Mariveles.
Maiiwasan na rin diumano ang mga aksidente sa lugar lalo na sa mga trailer truck na hindi makaahon sa zigzag road dulot ng mabigat na kargada ng trigo o soya sa pagbubukas ng nasabing Mariveles-Bagac bypass road.
Antonio Garcia at Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan