(Eagle News) — Nangangamba ang Commission on Population o PopCom na mas bibilis pa ang paglago ng populasyon ng Pilipinas kapag hindi maayos na naipatupad ang Reproductive Health Law.
Hanggang ngayon, nananatili pa rin ang temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa implanon na isang uri contraceptive na una nang ipinamahagi ng Department of Health noong 2015.
Ayon kay Doctor Juan Antonio Perez ng PopCom, kung hindi aalisin ng Supreme Court ang TRO sa implanon mas malaking problema sa kalusugan ang posibleng kaharapin ng bansa.