Mas magandang panahon sa Metro Manila, asahan sa Huwebes – PAGASA

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Posibleng bukas, Hunyo 14, makakaranas na ng magandang panahon ang buong Metro Manila.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, magiging maulan pa ang National Capital Region (NCR) hanggang ngayong araw, Hunyo 13 bunsod na rin ng umiiral na habagat.

Kasama pa sa mga lugar na inuulan ang Ilocos Region, mga probinsya ng Benguet, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite at Batangas.

Dahil dito, pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente na nakatira sa mga mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Patuloy naman ang monitoring ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), partikular sa mga lugar na madalas na bahain.

Related Post

This website uses cookies.