(Eagle News) — Posibleng tumindi pa ang nararanasang init ng panahon ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa unang araw ng Mayo, pasado alas-2 ng hapon, umabot sa 46.8 degrees Celsius ang heat index sa Cavite kung saan mataas ang tsansa na makaranas ng heat stroke.
Ngayong araw, Mayo 2, inaasahan na tataas ang heat index sa Cabanatuan, Nueva Ecija sa 44 degrees Celsius; 43 degrees Celsius naman sa Dagupan City sa Pangasinan; 40 degrees Celsius sa Catbalogan, Samar; at 39 degrees Celsius sa Catarman, Northern Samar at Dipolog, Zamboanga Del Norte.
Samantala, kahit na inaasahang nasa 40 degrees Celsius ang heat index sa Metro Manila, malaki pa rin ang posibilidad na umulan sa hapon.