(Eagle News) – Patuloy ang epekto ng tail end of a cold front at inaasahang ito’y magdadala ng mga pag-ulan sa kabisayaan partikular na sa Sorsogon gayundin sa Masbate, Romblon, Palawan at sa malaking bahagi ng Mindanao.
Habang mahihinang mga pag-ulan naman ang mararanasan sa silangang bahagi ng Northern Luzon dulot Northeast Monsoon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito rin ang magdadala ng malamig na temperatura sa mga susunod na araw. Wala naman namataang low pressure area at wala rin inaasahang bagyo.
Samantala, kumpara noong nakalipas na taon ay mas magiging malamig ang Pebrero ngayong taon. Ayon kay PAGASA Forecaster Robb Gile, delayed ang pagpasok sa bansa ng hanging Amihan, hindi tulad noong 2017 na buwan pa lamang ng Nobyembre ay malamig na.
Inaasahang ang malamig na panahon sa bansa hanggang sa huling linggo ng Pebrero.
Partikular na makararanas ng malamig na hangin mula sa Siberia ay ang Northern Luzon. (Eagle News Service)