Mas malawak na brownout, mararanasan sa Nueva Ecija

Photo courtesy by: Emil Baltazar

MULING nag-anunsyo ang National Grid Corporation of the Philippines ng 11 oras na brownout sa 20 mga bayan sa Nueva Ecija.

Ang nabanggit na power interruption ay mararanasan sa Abril 21, Huwebes, mula ika-7:00 ng umaga at aabot hanggang ika-6:00 ng gabi.

Ayon sa NGCP, ang mga bayan na apektado ay ang:  Sta. Rosa, San Leonardo, Palayan City, Gen. Tinio, Penaranda, Laur, Bongabon, Gabaldon, Llanera, Gen. Natividad, Rizal, Talavera, Lupao, Carranglan, Aliaga, Quezon, Licab, Sto. Domingo, Guimba, Munoz, at Talugtog. Makakasama rin dito ang mga bayan na sakop ng Aurora Electric Cooperative.

Ayon kay Regional Corporate Communications Officer Ernest Vidal, layunin nito na mapadali ang pagpapalit ng bulok na cross arms at may mga sira ng insulators sa mga linya.

Nagkaroon naman ng negatibong reaksyon ang mga mamamayan dahil sa sunod-sunod na brownout. Anila ay malaki ang epekto nito sa kanilang pamumuhay lalo na ngayong tag-init.

Sa kaugnay na balita, nagsasagawa naman ng talakayan ang NGCP, mga tauhan ng Department of Energy at Commission on Elections kasama rin ang mga mamamahayag sa Nueva Ecija ukol sa power situation at contingency plan para sa eleksyon sa Mayo 9, ng taong kasalukuyan. Ito ay isinagawa sa De Luxe Hotel, Cabanatuan City.

(Eagle News Nueva Ecija Correspondent, Emil Baltazar)

Related Post

This website uses cookies.