(Eagle News) — Mas maraming Pilipino ang naniniwalang seryoso ang problema sa pagkalat ng fake news.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nasa 42 percent ng mga Pilipino o 44 milyong pilipino ang gumagamit ng internet araw-araw at sa bilang na ito, 67 percent o 29 milyon ang nagsabing seryosong problema ang paglaganap ng fake news sa internet.
13 percent naman ang naniniwalang hindi ito seryoso habang 20 percent ang undecided.
Isinagawa ng SWS ang survey sa 1,200 adult respondents noong December 8-16 at noong March 23-27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.