MANILA, Philippines — Asahan na ang mas maraming road repairs at construction activities ngayong summer sa Metro Manila na maaaring mag-palala sa trapiko.
Nag-labas ang Department of Public Works and Highways ng listahan ng priority projects na gagawin sa susunod na dalawang buwan.
Kabilang dito ang pag-aspalto, concrete re-blocking, road maintenance at drainage system improvement.
Ayon sa DPWH, dapat samantalahin nila ang magandang panahon at bakasyon ng mga estudyante upang hindi maka-apekto sa trapiko sa panahon ng tag-ulan simula sa June.