MANILA, Philippines (Eagle News) — Paiigtingin ng Inter-Agency Council for Traffic o i-ACT ang kanilang kampanya kontra sa mga colorum na pampublikong sasakyan ngayong araw, Marso 26.
Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang crackdown sa mga colorum vehicle kasunod ng aksidente sa Occidental Mindoro kung saan labing siyam (19) na pasahero ang namatay.
Sinabi ni Transportation Undersecretary Tim Orbos, target nila ang mga bus terminal sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan katuwang ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA).
Nakatakdang bumuo ng draft ng plano ang i-ACT upang tuluyang mawala na ang mga colorum na sasakyan sa bansa.