BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Inilunsad ang Masa Masid Campaign at motorcade sa Barangay San Antonio, Binan City, Laguna. Ito ay may temang ‘Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw Sa Iligal na Droga’. Pinangunahan ni Brgy, Chairman Allan M. Farcon at sinuportahan naman ng Sangguniang Barangay.
Nakiisa din ang kapulisan ng Biñan City sa pangunguna ni PSupt. Elpidio A. Ramirez, Acting Chief of Police Binan PNP. Kasama ang mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), City Marshal, PNP Personnel, TODA Members, K-9 Unit, Surrenderers, NGO’s, Guardians Bagwis Chapter at Volunteers.
Sa pamamagitan ng motorcade sinuyod nila ang buong sulok at sitio ng naturang barangay upang ihayag at namahagi ng mga Anti-illegal Drugs/Programs Flyers, posting of Tarpaulins at public announcements na magtataguyod sa mga kilos at pagsugpo ng droga, krimen at korapsyon.
Ang Masa Masid ay pinagbubuklod-buklod ng mga Barangay-Based Institutions, Faith-Based Organizations, Non-Government Organizations, Civil Society Organizations at Volunteers. Layunin nitong labanan sa pamamagitan ng kampanya at magkaroon ng tagamasid at kakampi kontra iligal na droga at sa tulong nito mas mapapakita nila ang bayanihan at pagmamalasakitan ng bawat indibidwal.
Willson Palima at Jackie Palima – EBC Correspondent, Biñan City, Laguna