Eagle News — Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan na may mahinang hangin sa lalawigan ng Mountain Province na nagsimula pa noong Linggo ng umaga, July 31, 2016 at inaasahan na ito ay magpapatuloy pa dahil sa masamang lagay ng panahon bunga ng Bagyong Carina sa ating bansa.
Nakaalerto na ang lahat ng sangay ng Pamahalaan sa pangunguna ng Provincial Derector ng DILG na si Anthony Manolo Ballug inabisuhan na nila lahat ng kanilang sakop lalo na ang DRRMCs at LGU para sa Disaster Preparation activities, reporting at close monitoring ng flood and slide areas. Nakahanda na ang mga kagamitan sa pagrescue at evacuation area kung kakailanganin.
Ang DPWH naman ay may mga nakatalagang mga tauhan lalo na sa pangunahing kalsada papasok at palabas ng lalawigan upang magmonitor at agarang magreport ng mga malalaking slide para mag-padala kaagad ang heavy Equipment sa gagawing clearing operation.
Sa ngayon bahagyang tumigil ang pag-uulan subalit may maulap na kalangitan badya ng masamang lagay ng panahon. Wala pasilang natatanggap na napinsala bunga ng kalamidad pero nakaantabay ang lokal ng pamahalaan 24 hours.
Courtesy: Erwin Dello – Mountain Province Correspondent