MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinakilala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko si “PO1 Bato” na dadalhin sa mga eskwelahan at komunidad bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga. Kasabay nito ay ang inanunsiyo na rin ng PNP ang pormal na pagsisimula ng operasyon ng 911 emergency hotline.