Matataas na kalibre ng armas, iba pa nakumpiska sa mga miyembro ng NPA sa Zamboanga del Sur

Ang ilan sa mga gamit na narekober ng militar sa mga miyembro ng NPA sa isinagawang combat operation noong Lunes, Disyembre 11, 2017. (Photo courtesy 53rd Infantry Battalion)

LAKEWOOD, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nakumpiska ng militar ang matataas na kalibre na armas at iba pa sa panibagong engkwentro laban sa New People’s Army sa  Zamboanga del Sur.

Ayon kay LTC Virgilio Hamos Jr., commanding officer ng 53 Infantry Battalion, noong Lunes, Disyembre 11 nakuha ang mga armas– isang M60 general purpose machine gun, M16 assault rifle, improvised explosive device, magazine at mga bala—sa sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng 53IB at 5th IB, at ng nasa mahigit na 30 mga NPA sa Lakewood.

Ang mga miyembro ng NPA ay  pinaniniwalaang miyembro pa rin ng Regional Guerilla Unit at SECOM KARA.

Nakuha rin ang ilang mahahalagang dokumento.

Tumagal ang palitan ng putok ng halos isang oras at limang minuto.

 

(Eagle News Correspondent, Ferdinand C. Libor Jr.)

 

Related Post

This website uses cookies.