Matobato, nagpiyansa sa korte; kusang sumuko sa MPD

(Eagle News) — Lumutang at nagpiyansa sa Manila Regional Trial Court ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato para sa kasong frustrated murder laban dito.

Ito ay kasunod ng warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ng Digos City, Davao Del Sur Regional Trial Court Branch 14.

Dalawandaang libong piso ang inilagak na piyansa ni Matobato para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang kaso laban kay Matobato ay kaugnay sa  pagbaril nito kay Abeto Salcedo Junior na dating adjudicator sa Department of Agriculture sa Digos City noong 2014.

Pagkatapos sa Manila RTC ay boluntaryong sumuko si Matobato sa Manila Police District.

Sumailalim din siya sa booking procedure sa MPD kung saan siya ay kinuhanan ng fingerprint at mugshot.

Ayon sa abogado ni matobato na si Atty. Jude Sabio, nagpalabas na rin ang Manila RTC ng release order kaninang  hapon  para sa pansamantalang paglaya ni Matobato.

https://youtu.be/wvSd6bg6ia0