May Migration of Votes sa Quick Count ng Comelec at PPCRV – Marcos Camp

Ibinunyag ng kampo ni Vice-Presidential candidate Senator Bongbong Marcos ang nangyayaring migration of votes o ang paglilipat ng mga boto sa patuloy na isinasagawang quick count Ng Commission On Elections at Parish Pastoral Council For Responsible Voting o PPCRV.

Ayon kay ABAKADA partylist Representative Jonathan Dela Cruz, kuwestyunable kung saan nanggagaling ang mga boto para kay Administration party Vice-Presidential candidate Leni Robredo lalo’t si Marcos ang paboritong Vice-Presidential candidate ng halos lahat ng presidentiables.

Kataka-taka rin aniya kung bakit ang layo ng diprensya ng mga boto ni Robredo sa kaniyang ka-tandem na si Presidential candidate Mar Roxas.

Maging ang agwat ng mga boto ng mga kandidato ng Galing at Puso na sina senators Grace Poe at Chiz Escudero ay masyadong malayo.

Patunay umano ito na may nangyayaring migration of votes at isa si Robredo sa posibleng nakikinabang dito.

Related Post

This website uses cookies.