KIDAPAWAN, North Cotabato (Eagle News) –Nilinaw ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na walang kakulangan ng suplay ng bigas sa North Cotabato . Ito ang iginiit ni Alcala sa kabila ng nararanasang El Niño sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa datos ng National Food Authority sa Region 12, sapat umano ang supply ng bigas sa lalawigan partikular sa Kidapawan City kung saan naganap ang marahas na dispersal sa mga magsasakang humihingi lamang ng rice subsidy sa kanilang provincial government.
Dagdag pa ni Alcala, 120 percent ang food sufficiency level sa North Cotabato at mahigit pa sa labing apat na araw ang suplay ng bigas.
Ginagawa din umano ng gobyerno ang lahat para maibsan ang epekto ng tagtuyot sa nasabing probinsiya.
https://youtu.be/_UgZVqgPWa8