Mayon Natural Park, posibleng mapabilang sa UNESCO World Heritage List

(Eagle News) — Maaaring mapabilang ang Mt. Mayon Natural Park sa presitihiyosong United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage list.

Nabatid na bumisita na sa Albay ang mga kinatawan ng National Commission of the Philippines sa pangunguna ni Secretary General Lila Ramos-Shahani upang kausapin si Albay Governor Al Francis Bichara tungkol sa nasabing usapin.

Ang world heritage list ay isang programa ng UNESCO na layuning i-catalogue at ipreserba ang mga lugar na mayroong malaking importansya, cultural o natural man na pamana sa mga taong nakatira sa isang partikular na lugar.

Eagle News Service

https://youtu.be/Klo38XNJGZ4