LOOC, Romblon (Eagle News) – Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan third division nitong November 09 2016 ay pinawalang-sala si Mayor Leila Arbolida ng Looc, Romblon at ang kasama niya. Ito ay kaugnay sa graft case na isinampa laban sa kaniya ng mga Barangay Official (kagawad) ng Poblacion Looc kabilang na si Vice Mayor Gadaoni at Juliet NGO taong 2000 dahil aniya sa maanomalyang P20 million expansion ng Looc Water Supply System.
Si Mayor Arbolida at si Ariel T Lim, Presidente ng Atlantic Erictors Inc. ay kinasuhan ng violation of section 3 (e) ng R.A 3019 o mas kilalang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon sa desisyon na inilabas ng Sandiganbayan na lilagdaan nina Presideng Justice Amparo Cabotaje-Tang, Associate Justice Sarah Jane Fernandez, at Samuel Marites, ang dalawa ay Pinawalang- sala dahil hindi napatunayan ng Prosecution na sila ay guilty sa kasong isinampa sa kanila.
Renand Pastor – EBC Correspondent, Romblon