ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dinalaw noong Huwebes, May 11, ni Mayor Richard Gomez ang isa sa mga ongoing exercises ng PH-US Balikatan Forces sa Ipil Port ng Ormoc City, Leyte.
Ang exercise ay may kinalaman sa pagtanggal ng debris sa lumang pier sa Brgy. Ipil, Ormoc City, na nagiging balakid sa pagdaong ng mga barko.
Posible rin aniya itong magiging sanhi ng aksidente dahil hindi ito nakikita kapagka-high tide.
Kasama sa pagdalaw ang PNP, US-UCT (Underwater Construction Team) at ang Philippine Coastguard. Ipinakita din ni Ensign Christopher Hefner ng US Navy ang Supply Diving Equipment o kilala sa tawag na “FADS IV” na isang heavy diving helmet na gamit ng UCT sa kanilang underwater operation.
Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City, Leyte