DAVAO CITY (Eagle News) – Pinangunahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio ang ‘Activation Ceremony’ ng Armed Forces of the Philippines ang Joint Task Force “HARIBON”. Si Mayor Sara ang guest speaker sa isinagawang ceremony sa Camp Panacan, Davao City at ayon sa kaniya isa itong welcome development sa Security ng Davao. Aniya, ang Joint Task force ay isang malaking tulong upang malabanan ang terrorismo.
Ang Davao City umano ay walang dudang nasa forefront ng “Mindanao Dream” — isang Mindanao na payapa at progresibo na kung saan lahat ng tao ay namumuhay ng may kapayapaan sa isa’t-isa.
Ang Joint Task Force HARIBON ay binubuo ng sumusunod;
- Task Force Davao
- Task Force Samal
- Philippine Navy
- Philippine Air Force
- Tactical Operations Group XI.
Ang HARIBON ay pangungunahan ni Brig. Gen. Ronnie Evangelista. Ayon pa rin kay Mayor Sara, ang ibig sabihin ng HARIBON ay HARI (king) at IBON (bird) or “King of the Birds” – na siyang simbulo ng strong, fierce and powerful Philippine Eagle.
Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City
Photo by: City Government of Davao