DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Kinilala ng Office of Civil Defense ang katapangan at kabayanihan ng mga rescuer ng Dingalan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pamamagitan ng paggawad sa kanila ng Bakas Parangal ng Kadakilaan.
Ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga inidbiduwal o grupo na nagsakit at nagsakripisyong tumulong sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad at sakuna. Iginawad sa kanila ang nasabing parangal dahil sa maagap na pagpaplano, paghahanda at pagtugon ng Dingalan MDRRMO sa mga kababayan nito na napektuhan ng nakaraang Bagyong Karen at Lawin.
Isinagawa ito sa Subic Bay Exhibition and Convention Center, Subic Bay Free Port Zone noong Miyerkules, December 14, 2016. Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ang Dingalan MDRRMO ng ganitong pagkilala.
Eman Celestino – EBC Correspondent, Dingalan, Aurora