(Eagle News) — Sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation, nagsagawa ng medical at dental mission ang Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Tinglayan sa lalawigan ng Kalinga ngayong araw, Hulyo 27.
Dito ay nakinabang ang mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang tribo sa nasabing bayan.
Sa pangunguna ng Social Services Office ng Iglesia Ni Cristo, sila ay napagkalooban ng libreng check-up, bunot ng ngipin at mga gamot.
Ayon kay Brother Franklin Villamar, Assistant District Minister ng INC sa Kalinga, ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng kanilang paggunita sa ika-104 na anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo.
Layunin din nito na maitaguyod ang isa sa pangunahing adhikain ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo na makatulong sa kapwa-tao.
Laking pasasalamat naman ng mga mamamayan sa Iglesia Ni Cristo sa tulong na kanilang natanggap.
Maging ang nanunungkulan sa nasabing bayan ay nagpaabot din ng pasasalamat sa Pamunuan ng INC sa tulong na naipagkaloob sa kanila. (Photos and details by JB Sison)