POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Umabot sa mahigit 5,000 na tao ang nakinabang sa isinagawang medical at dental mission ng lokal na gobyerno ng Polanco noong Miyerkules, Hunyo 23.
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang Philippine National Police, rural health units, Department of Social Welfare and Development, at iba pa.
Isinagawa ang libreng check-up, bunot ng ngipin, libreng sugar at blood testing, at pamamahagi ng gamot at vitamins sa aktibidad.
Elmie Ello – Eagle News Correspondent, Zamboanga del Norte