DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang Medical at Dental Outreach Program ng LGU Dapitan. Isinagawa ito sa Baylimango Covered Court ng naturang bayan kamakailan. Katuwang din sa naturang aktibidad ang City Agriculture Office, CSWDO, City Registrars Office, City Veterinarian at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Mahigit 500 residente ang nakinabang sa serbisyong medikal at dental na handog ng LGU Dapitan. Sa nasabing aktibidad ay isinagawa ang libreng konsulta, bunot ng ngipin, operation tuli, pamamahagi ng bitamina para sa mga bata at feeding program.
Ipinamahagi rin sa mga lehitimong bangka operators ang gamit pandagat sa ilalim ng Boat R-Program at mga libreng vegetable seed naman para sa mga magsasaka.
Ganoon na rin ang pagtanggap ng pension ng mga senior citizen, libreng pagbabakuna sa mga aso kontra rabis, at libreng serbisyo ng City Registrar’s Office.
Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte