(Eagle News) — Target ng gobyerno na matapos sa taong 2024 ang pinaplanong Mega Manila subway.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, sa Nobyembre ay inaasahang lalagdaan ng mga opisyal ng Pilipinas at Japan ang kontrata para sa nasabing proyekto.
Inaasahang lalagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Target din aniya, na simulan sa fourth quarter ng 2020 ang pagtatayo sa Mega Manila Subway pero pipilitin pa rin na masimulan na ito sa taong 2019.
Dagdag pa ni Tugade, inaasahang sa 2nd quarter ng taong 2024 matatapos ang nasabing proyekto.
Isa lamang aniya ito sa mga ‘rail project’ na napagkasunduan ng Pilipinas at Japan na una nang inanunsyo ni Socioeconomic Planning secretary Ernesto Pernia.
Ang Mega Manila Subway ay magko-konekta sa Quezon City at Taguig City at ang biyahe ay magiging 31 minutes na lamang.
Paliwanag pa ng DOTr, ito ang kauna-unahang magiging subway system sa Pilipinas na gagamit ng ‘ Japanese tunneling expertise.’