Manila Police Director Nana: Tamang proseso ng pag-aresto kay Menorca, sinunod

Isinailalim na sa booking process si Lowell Menorca isang tiwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo matapos arestuhin at maiserve ang arrest warrant sa kanya ng miyembro ng Manila Police.

Ayon kay Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rolando Nana legitimate ang arrest warrant na galing sa Marawi City at inoobserba nila ang proseso ng tamang paghahain ng arrest warrant.

Tiniyak rin ni Nana ang kaligtasan ni Menorca.  Sinabi rin niyang saan mang branch ng korte ay maaaring magbayad si Menorca ng piyansa nitong P10,000.

(Eagle News Service)