MANILA, Philippines (Eagle News) — Isa na namang space event ang masasaksihan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), masasaksihan ang Lyrids Meteor Shower sa gabi ng Abril 22 hanggang madaling araw ng Abril 23.
Mararating nito ang peak point sa pagitan ng 1:30 ng madaling araw.
Paglalarawan pa ng PAGASA, ang mga meteor shower ay dulot ng maliit na bilang ng debris na naiwan at paulit-ulit na dumaraan sa solar system, at ito ay isang nauulit o recurring phenomenon.