CEBU, Philippines — Ayon sa analysis, 70 micro-grams per cubic meter ang alikabok sa haze na mas mataas sa normal na 50 micro-grams per cubic meter.
Hindi pa ma-tukoy ng Department of Environment and Natural Resources ang sanhi nito, subalit hini-hinalang mula sa mga sunog sa probinsya.
Nag-labas na rin ng advisory ang Department of Health kung paano mag-iingat sa epekto ng haze sa kalusugan.