(Eagle News) —
Ayon kay MMDA chairman Emerson Carlos, patuloy na naglilinis ng mga kanal, gutter at iba pang daluyan ng tubig ang mga tauhang mula sa Flood Control and Sewerage Management Office ng ahensya.
Marso pa aniya nang simulan ng ahensya ang “estero blitz” program na layuning maisagawa ang clean-up drive sa mga daluyan ng tubig bilang bahagi ng paghahanda sa paparating na bagyo sa mga susunod na buwan.
Ayon pa kay Carlos, nasa 12 pumping stations na rin ang na-upgrade ng ahensya.
Una na ring siniguro ng Flood Control and Sewerage Management Office ng MMDA na nakahanda ang kanilang 54 na pumping stations para ngayong tag-ulan.