(Eagle News) — Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Metro Manila subway project at apat na bagong “flagship” projects.
Dahil dito, umabot na sa tatlumpu’t limang proyekto sa ilalim ng kasaluluyang administrasyon ang naaprubahan na nagkakahalaga ng 1.2 trillion pesos pero hindi pa kasama rito ang magagastos sa mga tulay na gagawin naman sa Tawi-tawi.
Ang unang phase ng Metro Manila Subway project ay tatakbo mula Mindanao Avenue sa Quezon City patungo sa Taguig City at hihinto sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.
Inaasahang sisimulan na sa susunod na taon ang nasabing proyekto na gagastusan sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) mula sa Japan.