MANILA, Philippines (Eagle News) — Umaasa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na lalahok ang mahigit 14 million na residente ng Metro Manila sa ikalawang Metro-Wide Quake Drill.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, alas-9:00 ng umaga sa Hunyo 22 isasagawa ang Metro Shake Drill matapos ang pakikipagpulong nila sa mga government officials at religious groups.
Kasama din sa shakes drill ang mga probinsiya ng Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna.
Ang naturang quake drill ay bilang paghahanda pa rin sa pagtama ng malakas na lindo o ang sinasabing “The Big One” sa Metro Manila na maaaring ikamatay ng mahigit 34,000 katao sakaling gumalaw ang West Valley Fault.
https://youtu.be/1LP7T01hGNE