(Eagle News) — Posibleng tumagal pa umano ng isang linggo ang mararanasang mga aftershock kasunod ng nangyaring 5.5 magnitude na lindol sa Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology (PHIVOLCS), umabot na sa animapu’t- apat na aftershocks ang kanilang naitatala.
Pinabulaanan naman ng PHIVOLCS ang balitang tsunami alert na kasunod ng 5.5 magnitude na lindol.
Nilinaw rin ng ahensya na walang katotohanan ang mga kumakalat ngayon sa social media na mga babala kung saan anumang oras ay maaaring umanong pumutok ang Mt. Banahaw dahil sa nasabing pagyanig.