Mga aktibidad sa Mt. Pulag, suspendido dahil sa forest fire

BAGUIO CITY (Eagle News) — Isinailalim na ng pamunuan ng Mount Pulag sa indefinite suspension ang lahat ng aktibidad sa bundok dahil sa nangyaring forest fire nitong Sabado ng hapon, Enero 20.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-simula ang sunog sa pagsabog ng butane gas stove ng isang hiker.
Dahil dito apektado ng forest fire ang lahat ng campsite at peak.

Ang sunog ay tumagal ng halos walong oras bago naapula, pasado alas nuebe na ng gabi noong Sabado.

Nasa 1.5 ektarya ang nasunog na bahagi ng bundok.

Lahat ng mga nais umakyat ng bundok ay ay papupuntahin sa apat na lawa sa bayan, malapit sa munisipalidad ng Bokod.

Related Post

This website uses cookies.