MANILA, Philippines (Eagle News) — Muling iginiit ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi nila papayagan na makapasok sa kanilang organisasyon ang mga aplikante na mayroong tattoo sa katawan.
Ito ay sa harap ng suhestyon ni Davao 1st District Congressman Karlo Nograles sa PNP na panahon na para bigyan ng pagkakataon ang mga aplikanteng may tattoo.
“For our military and police organizations to bar the entry of capable and well-meaning Filipinos in their ranks on the basis of tattoos is quite archaic, if only because tattoos are no longer taboo in this day and age. Thus, we call for the removal of this ban,” ani Nograles.
“I know a lot of people who have been declined application into the service on the basis of their having tattoos. They said that it felt unfair to be rejected and I can’t help but agree with them,” dagdag ng kongresista.
Paliwanag ng heneral, matagal nang ipinagbabawal sa kanilang guidelines ang pagtanggap ng mga may tattoo.
“Pero kung tattoo talaga ikaw gusto mo bang naka-uniporme tapos daming tattoo dito? meron kaming standing policy diyan na bawal talaga na ma-recruit yung may mga tattoo pero hindi namin sila nire-reject outright”, ani dela Rosa.
Pero wala naman daw problema kung isa nang ganap na pulis ang magpapalalagay ng tattoo basta hindi ito makikita pag nakasuot sila ng uniporme.
Bukod sa kaayusan, isa rin daw sa ikinokonsidera ng PNP sa pagbabawal ng tattoo sa PNP ang medical disadvantages nito.
Base daw kasi sa mga medical practitioner, hindi na maaaring magdonate ng dugo ang sinumang may tattoo sa katawan.
Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ayaw nilang alisin ang ban ukol sa ‘No tattoo’ sa hanay ng Armed Forces of the Philippines sa kadahilanang mukhang gangster ang imahe kung mayroong tattoo ang isang sundalo.Mar Gabriel