(Eagle News) — Mas malaki umano ang posibilidad na magkasakit sa puso ang mga babaeng nakararanas ng depresyon.
Ayon sa mga eksperto, kinukumpirma ng isang pag-aaral ang matagal ng koneksyon sa pagitan ng sakit sa puso at depresyon.
Napag-alaman ng mga mananaliksik mula US Center for Disease Control and Prevention, tanging depresyon ang mayroon sa higit isang libong babaeng kanilang pinag-aralan sa loob ng sampung taon.
Batay sa nasabing pag-aaral, nagkaroon ng sakit sa puso ang mga ito sa paglipas ng panahon.