Mga basurang galing sa Canada ibabalik na ng pamahalaan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakatakda nang ibalik ng Pilipinas ang bultu-bultong mga basura mula sa Canada na iligal na itinapon sa bansa noon pang 2013.

Ito’y bilang pagtupad sa inilabas na kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 1 na nag-aatas na ibalik sa Canada ang mga nasabing basura.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), maghahain na ng motion for execution ang Department of Justice (DOJ) na miyembro ng binuong inter-agency committee kasama ang DENR, DFA at ang customs.

Saklaw ng nasabing kautusan ang mahigit 100 mga container vans na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng basura na nakapangalan sa Chronic Plastics Incorporated na nakatengga ngayon sa mga pantalan ng Maynila at Subic.

This website uses cookies.