QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Desidido ang Department of Education (DepEd) na i-enrol sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ang mga out-of-school youth o mga kabataang sumuko at nasangkot sa paggamit o pagbebenta ng ilegal na droga.
Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones hindi na nila hihintayin pang maragdagan ang mga rehab center para sa mga ito kundi gagawin ang als kahit na sa mga barangay hall, basketball court o maging sa ilalim ng puno.
Sa kasalukuyan, nasa animnaraang libo ang naka-enrol sa ALS.