Mga bloke ng cocaine na napadpad sa PHL, posibleng bahagi ng na-recover sa Solomon Islands

Ni Mar Gabriel
Eagle News Service

(Eagle News) — Lumalaki ang posibilidad na hindi talaga para sa Pilipinas ang mga bloke ng cocaine na narecover sa iba’t-ibang baybayin sa Eastern Seaboard ng bansa.

Ayon kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, base sa kanyang pakikipag-usap sa Australian counterparts maaari daw na ang mga narecover na cocaine sa bansa ay bahagi ng mga 500 kilo ng cocaine na narecover ng Australian Federal Police sa Solomon Islands noong Setyembre nang nakaraang taon.

Magkapareho daw kasi ang packaging ng mga narecover na cocaine.

“We think na ito ay naanod sa atin. Most probably either nag-capsize or dinump then babalikan later, possible na part yan? Accordingly kasi ang possibility nito ay for delivery ito sa Australia. Kasi according to the Australian police maganda ang value market, even the market value ng cocaine doon sa lugar nila.

Cocaine matagal nang palutang-lutang sa karagatan – PNP

Dahil dito, lumalabo na ang anggulo na sadyang inihulog ang mga kontrabando para gawing diversionary tactics ng mga sindikato.

Tinubuan na raw kasi ng shells ang packaging ng cocaine, palatandaan na matagal na itong palutang- lutang sa karagatan.

Posible raw na tama ang Pangulo na galing sa Columbia ang mga inanod na cocaine.

Samantala, nakatakdang magbigay ng sample ng cocaine ang PNP sa Australian authorities para makumpirma kung bahagi talaga ito ng mga cocaine na narecover sa Solomon Islands.

Related Post

This website uses cookies.