SAN Miguel, Camarines Sur — Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang dalawang vote counting machine (VCM) sa Barangay San Miguel Elementary School.
Wala ring pahayag si Precent Officer, Jurith Mata kung maaayos pa ang nasabing VCM.
Ayon naman kay Joselito Zabala, Commission on Election Assistant Officer, kung wala ng boboto ay hindi rin naman nila isasalang o ipapasok ang mga balota.
Ang ilang botante ay hindi na muna bumoto hangga’t wala pang resibo na lumalabas. Samantala, ang ibang mga botante ay tuloy pa rin sa pagpila at naghihintay na maayos ang mga VCM upang bumoto.
(Eagle News Service Rosalie Barra)