Mga botante patuloy pa rin sa pagboto sa kabila ng mga aberya

SAN Miguel, Camarines Sur — Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang dalawang vote counting machine (VCM) sa Barangay San Miguel Elementary School.

Wala ring pahayag si Precent Officer, Jurith Mata kung maaayos pa ang nasabing VCM.

Ayon naman kay Joselito Zabala, Commission on Election Assistant Officer, kung wala ng boboto ay hindi rin naman nila isasalang o ipapasok ang mga balota.

Ang ilang botante ay hindi na muna bumoto hangga’t wala pang resibo na lumalabas. Samantala, ang ibang mga botante ay tuloy pa rin sa pagpila at naghihintay  na maayos ang mga VCM upang bumoto.

(Eagle News Service Rosalie Barra)

Related Post

This website uses cookies.