ILIGAN CITY (Eagle News) – Isa sa mahigpit na minomonitor ngayon ng Department of Health (DOH) ay ang mga buntis, mga may inaalagaang sanggol, mga bata, at kababaihan na nasa evacuation center.
Ito ang inihayag ng DOH Region 10 matapos makapagtala ng mga malnourished na mga buntis sa mga evacuation center sa Iligan City, Lanao del Norte.
Ayon sa DOH, sa 53 na mga naitalang buntis, ay dalawa ang mahina ang lagay ng kalusugan.
Samantala, sa limang evacuation center, nabatid na umaabot sa 361 ang mga sanggol na may edad na anim na buwan hanggang limang taong gulang ang nangangailangan ng pagtutok ng DOH.