MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng maritime exercise sa Manila Bay noong Enero 10 ang Philippine Coast Guard at Indian Coastguard.
Sa nasabing pagsasanay, dalawang barko ng PCG at Indian Coast Guard ang nagsanib pwersa para rumesponde sa kunwari’y nasusunog na barko.
Water cannon ang ginamit ng dalawang bansa para maapula ang apoy.
Gumamit din ang PCG ng oil spill boom sa paligid ng barko upang mapigilan ang oil spill.
Bukod dito, nagsagawa rin ng simultaneous inspection ang mga coastguard personnel sa kanilang mga barko na bahagi ng Universal Uniform Services sa karagatan.
Ang maritime exercises ng iba’t- ibang bansa ay regular na ginagawa sa kanilang pagbisita sa Pilipinas para sa joint maritime exercises sa ilalim ng mutual cooperation.