(Eagle News) — Tinitingnan ng National Irrigation Administration (NIA) na gawing tourist destinations ang mga dam na pag-aari ng gobyerno upang mapalawak ang pagkaka-kitaan ng ahensya.
Kabilang dito ang Bustos na itinuturing na pinaka-mahabang rubber dam sa Asia at pangalawang pinaka-malaki sa mundo. Kabilang din sa ikinukunsiderang gawing tourist attraction ay ang Pantabangan dam na siyang pinakamalaking dam sa bansa na kasalukuyang inaayos.
Ayon sa NIA, kailangang ayusin at itaas ang uri ng mga dam dahil maaaring kumita ng bilyong piso sa mga ito.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan ukol dito.
https://youtu.be/laeOcZ07sHY