AGOSTO 24 (Agila Probinsya) — Sa layuning makapag-ingat sa masasamang loob at mapagsamantala, nagpalabas ang San Jose City, Nueva Ecija – Philippine National Police (PNP) ng anim na mga dapat gawin habang nakasakay sa taxi.
1. Ipaalam sa iyong pamilya at mga kaibigan ang mga impormasyon tungkol sa taxi na sinasakyan gaya ng pangalan ng taxi, plate number, at bosy number nito.
2. Palaging magtext sa mga kapamilya at mga kaibigan ukol sa kalagayan habang nasa loob ng taxi at naglalakbay.
3. Manatili sa ruta na iyong alam at dinadaanan. mag-ingat o umiwas sa mga tinatawag na short-cut na ruta na sinasabi ng driver. Maari niya itong samantalahin upang lumaki ang inyong pamasahe o gumawa ng hindi makabubuti.
4. Iwasang matulog habang naglalakbay sa loob ng taxi.
5. Iwasang magbigay ng maraming impormasyon ukol sa sarili.
6. Kung sa pakiramdam ay mayroong hindi kaaya-ayang nangyayari. Bumaba o patigilin ang taxi at magsumbong agad sa mga kinauukulan.
(Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)