MEYCAUAYAN, Bulacan (Eagle News) – Inilatag na sa Meycauayan City ang mga dapat gawin sa operasyong ilulunsad nila na “Oplan Anti-Ingay” matapos ang pagpupulong nila ilang araw ang nakaraan. Nais ni Mayor Henry R. Villarica ng Meycauayan City na isagawa na ang implementasyon ng mga ordinansa sa lungsod.
Layunin nito na mabawasan ang ingay na dala sa ating kapaligiran. Para na rin ito sa kaligtasan ng mga motorista gayun din sa mga mamamayan. Ang operasyon ay nagsimula sa loob ng Barangay Saluysoy kung saan nanita at nanghuli ang awtoridad ng mga pasaway na motorista sa pangunguna ni Vice Mayor Jojo Manzano, Konsehal Bunny Velasco, kasama ang Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Bulakan, Philippine National Police – City of Meycauayan, Philippine National Police – Bulacan Highway Patrol Group (PNPHPG) at Meycauayan Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Umikot din ang kanilang grupo sa Meycauayan Highway partikular na sa may Calvario Crossing, tapat ng Meycauayan College, at Malhacan Road.
Alejandro Soriano – EBC Correspondent, Meycauayan, Bulacan