(Eagle News) — Umabot sa apatnapung Abu Sayyaf Group surrenderee ang nabigyan ng pabahay ng pamahalaan sa ilalim ng programa kontra violent extremism ng administrasyong Duterte.
Sa report ni Eagle News Correspondent Ely Dumaboc, mismong si outgoing Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman, Colonel Fernando Reyes ng Joint Task Force Basilan at Soler Undug ng Basilan District Engineering Office ang nanguna sa pagpapasinaya sa mga bagong proyektong bahay na ipinagkaloob na libre sa mga dating miyembro ng Abu Sayyaf na sumuko sa gobyerno.
Nabuo ang proyektong ito sa ilalim ng armm-bangsamoro regional inclusive development for growth and empowerment.